Monday, January 21, 2008

Mangingisda

Nakatingin s’ya sa malayo
Waring may tinatanaw
Banayad ang mga alon na humahampas sa dalampasigan
Kagabi lang ay pumalaot ang kanyang asawa

Nagsisidatingan na ang mga bangka
Ngunit hindi n’ya pa rin maaninag ang kanyang hinihintay
Parang kinukurot ang kanyang puso
“Huwag naman sana,” sabi n’ya sa sarili

Banayad ang mga alon na humahampas sa dalampasigan
Ang mga mumunting liwanag ng mga bituin
Ay unti-unting napaparam ng pasulpot na sinag sa silangan

Banayad ang mga alon na humahampas sa dalampasigan
Wala namang madilim na ulap
Ngunit parang dagundong ng kulog ang kanyang pangamba
Na para bagang may unos na parating...

No comments: