Wednesday, January 16, 2008

Labandera

Sugatang mga daliri
Pupod na mga kuko
Kulubot na mga kamay
Sa maghapon na trabaho

Bula ng sabon
Sa maruming pantalon
May bahid pa ng lipstick
Hindi naman galing sa labi ng amo niyang babae

“Hoy, tapusin mo na yan!”
Sigaw ng misis na malaki ang tiyan

Isang daang piso sa maghapon na trabaho
Kulang pang pambili ng pulutan ng asawang lasengo

“Anak, umutang ka muna
ng sardinas diyan sa may kanto…”

No comments: