By Gary Granada
(Downdload MP3)
Kung ang ulo niya'y masagi sa balikat mo kaibigan
Ikaw na sana ang marunong umunawa
Ibig lamang maidlip ang lamog na katawan
Ng isang pangkaraniwang manggagawa
Sa maraming pabrika ang pahinanteng tulad niya
Ay palipatlipat na namamasukan
Sa lamig ng magdamag, pagod niya'y sinasagad
Sa munting paghahangad na mabuhay
Kulang ang maghapon upang makaipon
At makakaahon ang isang dukha
Kulang din ang pawis kahit labislabis
Kung ang nagnanais ay maralita
Natutunan niyang hamakin ang sakit at sakuna
Tatlumpu'tpitong taon na siyang nasanay
Sa matang namumutla ay inyong mapupuna
Siya'y mamamatay sa kakahanapbuhay
Sa mga nagpapaluwal ang sahod niyang butalbutal
Nasanla nang matagal sa kagipitan
At kahit siya magpapagal, pilit mang isusugal
Ang hapo at nangangatal niya nang laman
Kulang ang maghapon..
Samantalang may isang panginoong maykapital
Ang nagdiwang at nagdaos ng hapunan
At kabilang sa hapag ng panauhing pandangal
Ang tanyag at ang banal sa ating lipunan
Halos ang bawat isa'y makapangyariha't matagumpay
Dahilan sa isang taglay na katangian
Ang matibay na loob na magsawang mabusog
Habang may nangangatog sa hapdi ng tiyan
Kulang ang maghapon..
Monday, March 31, 2008
Tuesday, March 25, 2008
Alay Kay Cris Hugo (1986-2006)
Tulad mo ay tangkay ng palay
Na maagang ginapas bago pa man ang anihan
Halos wala pang bunga
At naghihintay pa ng tag-ulan
Lumisan ka na hindi man lang nakapagpaalam
Nawala ka kasabay ng alingawngaw
Meron nga bang kabuluhan
Ang iyong pagpanaw?
Kung ang karamihan ay wala pa ring pakialam
Ano nga ba ang saysay ng iyong inialay?
(Feature Article: A Small Guy with Big Conviction)
Na maagang ginapas bago pa man ang anihan
Halos wala pang bunga
At naghihintay pa ng tag-ulan
Lumisan ka na hindi man lang nakapagpaalam
Nawala ka kasabay ng alingawngaw
Meron nga bang kabuluhan
Ang iyong pagpanaw?
Kung ang karamihan ay wala pa ring pakialam
Ano nga ba ang saysay ng iyong inialay?
(Feature Article: A Small Guy with Big Conviction)
Labels:
bayani,
bicol university student,
bicolano,
cris hugo,
tibak
Thursday, March 20, 2008
Mandirigma
By Carena Marte Murillo
(my wife)
Hindi lahat ng pakikibaka
Ay sa pamamagitan ng punglo o spada
May mga labanan na ang tanggulan
Ay ang puso at isipan
May mga digmaan
Na nagaganap sa gitna ng katahimikan
Ni hindi ginagamitan ng pulbura
Ni hindi tinutustusan ng bala
May mga mandirigma na ang baluti ay papel
Ang panangga ay mga kataga na sumusupil
Ang kanilang mga sandata ay hindi baril
Kundi pluma at tiklado ng makinilya
(my wife)
Hindi lahat ng pakikibaka
Ay sa pamamagitan ng punglo o spada
May mga labanan na ang tanggulan
Ay ang puso at isipan
May mga digmaan
Na nagaganap sa gitna ng katahimikan
Ni hindi ginagamitan ng pulbura
Ni hindi tinutustusan ng bala
May mga mandirigma na ang baluti ay papel
Ang panangga ay mga kataga na sumusupil
Ang kanilang mga sandata ay hindi baril
Kundi pluma at tiklado ng makinilya
Subscribe to:
Posts (Atom)